Lumago ng 4.6% noong Desyembre 2021 ang bank lending sa bansa bunsod ng pagdami ng credit activities na naging simula ng magandang pagasa upang muling makabangon ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandemiya.
Ayon kay Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, ang natitirang pautang ng mga universal at commercial banks ay lumago nang mas mabilis kumpara sa apat na porsiyentong antas noong nakaraang taon.
Kumpiyansa si Diokno na napanatili ng ahensya ang mataas na interest rate kumpara sa 2% noong unang bahagi ng taong 2021.—sa panulat ni Mara Valle