Isinusulong CIBAC Partylist Representative Bro. Eddie Villanueva sa kamara na amiyendahan ang mga probisyon ng Republic Act 1405 o Bank Secrecy Law.
Nakasaad sa panukala na pinapayagan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na busisiin ang bank deposits habang iniimbestigahan din ang mga nagsarang bangko lalo’t kung sangkot ito sa katiwalian o iregularidad.
Ginawa ni Villanueva ang pahayag matapos malagay ang Pilipinas sa grey list ng dirty money watchdog na Financial Action Task Force na nakabase sa Paris.
Sa kasalukuyang sistema kasi ani Villanueva, nagagamit ng mga tiwaling opisyal at kawani ng pamahalaan ang bank secrecy law para pagtakpan ang kanilang mga kalokohan dahil sa confidentiality clause.
Ito ang dahilan ani Villanueva kaya’t nawawalan ng kumpiyansa ang mga potential investors na magreresulta sa paghina ng ekonomiya.