Sinisilip na ng Office of the Ombudsman ang mga bank transaction ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang pamilya na aabot umano sa daan-daang milyong iso.
Kaugnay ito alegasyon ni Senador Antonio Trillanes IV na may tago umanong yamani ang Pangulo.
Kinumpirma ni Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang na noon pang isang taon nila natanggap ang listahan ng bank transaction ng first family mula sa Anti-Money Laundering Council.
Magugunitang nag-inhibit si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa imbestigasyon dahil pamangkin nito si Atty. Manases Carpio na manugang ni Pangulong Duterte.
Gayunman, naniniwala si Morales na magiging patas ang imbestigasyong pangungunahan ni Carandang.
Welcome naman sa Malacañang ang pagkilos ng Office of the Ombudsman na imbestigasyon sa di umano’y tagong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, iginagalang ng Pangulo ang Ombudsman bilang independent body at naniniwala itong magiging patas ang kanilang isasagawang imbestigasyon.
Iginiit pa ni Abella na hindi natatakot ang Pangulo dahil wala naman itong itinatago.
—-