Dalawang weather system ang nakakaapekto ngayon sa bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration o PAGASA, ito’y magdudulot ng mga pag-ulan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Iiral sa Hilagang Luzon ang northeast monsoon o hanging amihan habang nakakaapekto naman sa silangang parte ng Southern Luzon ang buntot ng cold front.
Wala pang inisyung gale warning na nagsasabi kung malakas ang hangin sa laot at kung ligtas na pumalaot ang mga mangingisda.
By Jelbert Perdez