Kinumpirma ng Department of Agriculture na maaari na muling mag-export ang Pilipinas ng poultry products at mga alagang ibon sa South Korea.
Ito, ayon kay Agriculture Attaché in Korea Maria Alilia Maghirang, ay makaraang tanggalin ng Ministry of Agriculture, Food, and Rural Affairs ang ban sa mga nasbaing produkto, epektibo agosto a-sais.
Nakipag-ugnayan na ang Philippine Agriculture Office sa Seoul sa Bureau of Animal Industry at National Meat Inspection upang tumalima sa requirements ng animal and plant quarantine agency.
Kabilang sa rekisitos ang revision ng veterinary health certificates para sa chicken meat at mga alagang ibon at pagsusumite ng application forms para sa accreditation upang makapag-export ng karneng manok sa korea.
Magugunitang sinuspinde ng SoKor ang pagpasok ng poultry products mula Pilipinas dahil sa H5 avian influenza outbreak. —sa panulat ni Drew Nacino