Aminado ang isang opisyal ng DOH na imposibleng makamit ng gobyerno ang target na 70% herd immunity ngayong taon.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, maaari lamang maabot ang target na 77.1 milyon o 70% ng populasyon, sa unang quarter ng taong 2022.
Tinatayang 50% lamang anya ang kakayaning i-target na fully vaccinated sa katapusan ng taon.
Una nang inihayag ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez sa talk to the people ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa 50% lamang ng populasyon ang maaaring mabakunahan sa katapusan ng Disyembre.
Aabot na sa 25.9 milyon ang fully vaccinated sa bansa habang nasa 30.3 milyon ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna kontra COVID-19. —sa panulat ni Drew Nacino