Naghahanda na ang Pilipinas na magpalit mula global pandemic patungong endemic.
Ito ang inihayag ni Department Of Health Secretary Francisco Duque III sa World Health Organization Western Pacific Regional Committee 72nd session na ginanap sa Himeji, Japan.
Aniya, kahit mahirap ay hindi tumigil ang pamahalaan sa pagtulong sa mga tinamaan ng COVID-19.
Inilatag rin ng kalihim ang kanyang action plan na ginawa sa nakaraang session na binubuo ng regional action plan for healthy aging in the Western Pacific, Regional Strategic Framework for vaccine-preventable diseases and immunization in the Western Pacific Region, at ang action framework for the safe and affordable surgery in the region.
Samantala, sinuportahan rin ni Duque ang panawagan ng ibang mga bansa na palakasin pa ang health system at paigtingin ang ugnayan ng gobyerno at pribadong sektor upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.—sa panulat ni Hya Ludivico