Wala pa umanong nade-detect na Omicron variant sa Pilipinas.
Ito’y ayon kay acting spokesperson Karlo Nograles sa gitna ng pangamba ng pagpasok at pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.
Sa ngayon ani Nograles, ang ginagawang hakbang ng gobyerno ay agad na isinasama sa red list ang isang bansa na nagkakaroon ng local transmission ng Omicron.
Ito umano ay para maiwasan ang pagpasok sa bansa ng naturang variant na pinangangambahang mas matindi sa delta.