Wala pang naitatalang Omicron variant sa bansa batay sa pinaka-huling sequencing ng genome center sa mga samples hanggang nitong December 6.
Ito ang kinumpirma na health undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa virtual forum ngayong araw.
Ani Vergeire, mula sa 19 thousand 305 samples na may lineage, pawang mga delta, alpha at beta lamang ang natukoy.
Mula November 15 hanggang 29 arrivals, mayroonf 253 individuals ang galing ng South Africa ang mino-monitor na ng DOH.
Ito aniya ang bina-back trace para matukoy kung sino sa mga ito ang magpo-positibo kapag nai-re-test na maaaring i-sequence.
Tiniyak naman ni Vergeire na naka-quarantine na ngayon ang mga indibidwal na natukoy ang kinaroroonan.—mula sa ulat ni Aya Yupanco