Pinalagan ng Malakaniyang ang puna ng mga kritiko ng administrasyon nang bansagang “Epic Failure” ang unang taon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa harap na rin ito ng malalang sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila, tumitinding problema sa peace and order at ang dumaraming bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, mabilis ang naging pag-aksyon ng pamahalaan para resolbahin ang malalaking problema ng bansa tulad ng droga, krimen at katiwalian kung titingnan sa positibong pananaw.
Malaking pagbabago na ring maituturing ang mabilis na pagkawala ng tanim-bala sa naia, pagbalangkas ng Freedom of Information sa ehekutibo, pagpapatupad ng smoking ban at ang pagreregulate sa paggamit ng paputok.
Sa usapin naman ng trapiko, binigyang diin ni Andanar na umaandar na ang mga proyektong pang-imprastraktura at gumagawa na rin ng hakbang ang mga kinauukulan upang maibsan ito sa lalong madaling panahon.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Bansag na epic fail ang unang taon ng administrasyon pinalagan ng Palasyo was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882