Tanggap ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ricardo Marquez ang pagbansag sa kanila na “OA” o “overacting” sa kanilang ipinatupad na mga hakbanging pangseguridad sa nakaraang APEC Summit.
Ayon kay Marquez, hindi na baleng maging “overacting” o “overkill” kaysa naman mag-sorry sa huli kung kailan mayroon nang nasaktan o napahamak sa kanilang maluwag na security protocol.
Gayunman, sinabi ng PNP Chief na natutuwa silang makarinig mula sa mga delegado na Pilipinas ang maituturing nilang pinakamagaling na nakapag-host ng nadaluhan nilang APEC meeting.
By Jelbert Perdez