Pumalag ang NDFP o National Democratic Front of the Philippines sa bansag na terorista sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Fidel Agcaoili, Chief Negotiator ng NDFP Peace Panel, hindi naman naghahasik ng lagim ang NPA o New People’s Army, ang armadong grupo ng NDFP na tulad ng ginagawa ng Abu Sayyaf at Maute Group.
Hindi rin anya sila ang unang lumabag sa idineklara nilang unilateral ceasefire na tulad ng paratang ng militar.
“Hindi kami ang merong problema sa pagpapatupad ng unilateral ceasefire, ang nangyari sila ang unang nag-violate, yung bakbakan sa Makilala North Cotabato, ni-raid nila mismo ang kampo ng NPA, may ceasefire pa noon, at nasa Roma pa kami at nag-uusap nang mangyari yun.”
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni NDFP Chief Peace negotiator Fidel Agcaoili
Sa kabila nito, tiniyak ni Agcaoili na nananatili silang bukas sa pakikipag-usap sa pamahalaan.
Gayunman, kung magmamatigas aniya ang gobyerno sa pag-urong nito sa peace talks ay wala silang magagawa.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni NDFP Chief Peace Negotiator Fidel Agcaoili
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
Photo Credit: NDFP