Niyanig ng magnitude 6.8 na lindol ang Alaska.
Ayon sa US Geological Survey, natukoy ang sentro ng lindol sa layong mahigit isandaan at siyamnaput siyam (199) na kilometro hilagang kanluran ng Attu, ang pinakamalaking volcanic island sa Alaska.
May lalim ang naturang pagyanig ng sampung (10) kilometro.
Inaalam pa ng mga otoridad kung may napinsala sa naturang pagyanig.
By Ralph Obina