BAWAL nang pumasok sa Israel ang lahat ng mga dayuhan.
Ayon kay Prime Minister Naftali Bennett, ito’y bunsod ng banta ng Omicron variant ng COVID-19.
Sinabi ni Bennett na gagamit sila ng counter-terrorism phone-tracking technology para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Nilinaw naman ng opisyal na tatagal lamang ng labing-apat na araw ang nasabing travel ban.