Plano ng Japan na dagdagan pa ang donasyong COVID-19 vaccine nito sa ibang bansa.
Ayon kay Prime Minister Yoshihide Suga, posibleng mag-donate pa ang japan ng 60 million doses ng COVID-19 vaccine, doble ito ng 30 million doses na una na nilang ipinamahagi.
Magugunitang ilan sa mga bansa na nakatanggap sa naunang donasyon ng bakuna ng Japan ay ang Taiwan, Vietnam at Indonesia.
Sa ngayon ay nasa 55% na populasyon ng Japan ang fully vaccinated na.