Pinag-aaralan ng pamahalaan na posibleng isama ang United Kingdom sa red list dahil sa banta ng delta subvariant sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ina-assess ng kagawaran kung mata-tag ang nasabing bansa sa red, yellow o green.
Sa ngayon, ang UK ay nasa ilalim ng yelow list countries kung saan lahat ng magmumula sa yelow countries ay maaaring makapasok sa bansa, ngunit sasailalim sa quarantine at testing protocols.
Habang ang mga pinagbabawalan namang makapasok ng bansa ang lahat ng magmumula sa red list countries.