Pinipilit na makaboto ang ilang mga residente ng Kherson dahil sa ipinapatupad na self-styled referendum sa Ukraine.
Ayon kay Yuri Sabolevsky, first deputy chairman of the Kherson Regional Council, binibisita ng mga Russian Forces ang mga residente para piliting makaboto.
Samantala, nagsagawa naman ng kilos protesta ang ilang mga residente ng Mariupo laban sa self-styled referendums para ibilang sila sa Russia.
Sa ngayon, maraming residente ang bumoto sa mga polling stations habang ang ibang Ukrainians, residente ng Luhanks, Donetsk, Kherson at Zoporizhzia, binibisita pa ng mga Electorial Commisions. — sa panulat ni Jenn Patrolla