Minaliit ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang naging pagbabanta ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaan nang umatake ang BIFF sa Pigcawayan, North Cotabato sa pamamagitan ng pagsulat sa blackboard ay nagbanta ang grupo na papatayin ang Pangulo at susunod na aatakihin ang Davao City.
Ayon kay Eastern Mindanao Command Brig. Gen. Gilbert Gapay, ang naging pagbabanta ng BIFF ay maituturing na desperadong pagkilos lalo na’t hindi nila kayang mapalawak pa ang kanilang pag – atake sa Mindanao.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na walang kapasidad ang naturang grupo sa malaking pag – atake dahil wala itong support group mula sa mga lokal na Muslim organizations doon.
Matatandaang noong Miyerkules ay hindi bababa sa anim (6) na sundalo at dalawang (2) sibilyan ang nasugatan sa naging pag – atake ng BIFF sa Malagakit at Simsiman sa Pigcayawan.
By Rianne Briones