Minaliit lang ng pamahalaan ang banta ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi kailanman makakukuha ng suporta mula sa mamamayan ang BIFF dahil maging ang Muslim Community ay ayaw din sa kanilang ginagawa.
Malinaw na nagpapapansin lamang ani Abella ang BIFF dahil sa magaling lamang ito sa media manipulation ngunit wala namang matibay na suporta mula sa publiko.
Sa panig naman ng hukbong sandatahan, sinabi ni EASTMINCOM Deputy Commander Brig/Gen. Gilbert Gapay, nakararanas lamang ng matinding dagok ang BIFF dahil sa pinaigting na opensiba ng militar sa lugar kaya’t nabitawan nila ang gayung pahayag.
Kasunod nito, nilinaw din ni Gapay na walang kinalaman sa nangyayaring gulo sa Marawi City ang ginawang pag-atake ng BIFF sa bahagi naman ng North Cotabato kamakailan.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Banta ng BIFF kay Pangulong Duterte pagpapapansin lang – Palasyo was last modified: June 24th, 2017 by DWIZ 882