Nagbabala si Senador Panfilo Lacson sa patuloy na pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa China.
Ayon kay Lacson walang kaibigan ang magbabanta ng giyera dahil ang pagkakaibigan ay nakabase sa kabutihan.
Binigyang diin ni Lacson na seryosong banta ito mula sa China at sang-ayon siya sa mungkahi ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na dapat idulog sa United Nations o UN ang naturang pagbabanta ng Beijing.
Matatandaang nagbanta si Chinese President Xi Jinping na mauuwi sa giyera kung patuloy na ipipilit ng Pilipinas ang arbitral ruling ukol sa mga pinag-aagawang teritoryo ng dalawang (2) bansa.
By Ralph Obina