Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga opisyal ng pamahalaan na higit na bigyang atensyon ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa halip na isulong ang charter change.
Ayon kay Robredo, masyadong maraming binibigyang pansin ang pamahalaan gaya ng shutdown ng ABS-CBN at ang anti-terro law sa halip na mag pokus lang muna sa pagtugon sa COVID-19.
Ani Robredo, hindi ngayon napapanahon ang charter change at hindi ito makatutulong para matigil ang COVID-19 transmission.
Giit pa ng bise presidente, mas mainam na ang pondong ilalaan sa charter change ay gastusin na lamang sa testing kits at sa mga ospital na ngayon ay isa-isa nang napupuno ng mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19.