Nagpaalala ang pamunuan ng Department Of Health (DOH) sa publiko na siguruhin ang na nasusunod ang mga health protocols kontra COVID-19 sa tuwing pumupunta ng mga pasyalan gaya ng malls, at tianggian.
Ito’y kasunod ng pagdagsa ng mga mamimili sa Divisoria sa Maynila at Baclaran sa Parañaque—na tila, nakalimutan nang may banta pa rin ng virus, at kailangan pa ring mag-ingat laban dito.
Ayon naman sa mga pamunuan ng malls na nasa paligid ng mga tiangge sa Divisoria at Baclaran, kanila namang pinaaalalahanan ang bawat mamimili na sumunod sa health protocols para makaiwas sa banta ng posibleng pagkalat ng virus.
Sa huli, babala ng DOH, kung ayaw ng bawat isa na masira ang paparating na pasko, tiyakin ang pag-iingat at pagsunod sa mga umiiral na health protocols.