Ikalima ang mas nakahahawang delta variant sa listahan ng mga variant na may pinakamaraming na-detect sa mga prinoseso ng Philippine Genome Center (PGC).
Sa higit 9K na sample, pinakamarami pa rin ang beta variant na may 26.17 percent at alpha variant na may 23.19 percent.
Nasa limang porsyento naman ng delta variant ang nakita sa mga samples na ito.
Pero hindi ibig sabihin nito na mababa na ang banta ng delta variant.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang nasabing limang porsyento ay nasa isang prosyento lang nitong nakaraang mga linggo, kaya dapat itong bantayan.
Bunsod nito, sinabi ng mga eksperto na hindi imposible na ang pagtaas ng mga kaso na ating nararanasan ay dahil sa delta variant.—sa panulat ni Rex Espiritu