Walang dapat na ikabahala ang Malacañang sa banta ng Human Rights Watch na maaari umano nilang patalsikin ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council dahil sa alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kampante tiwala silang hindi maka-aapekto sa ekonomiya ng bansa sakaling mangyari ang babala ng human rights group.
Nananatili anyang masigla ang economic relation ng Pilipinas sa mga mahalagang bansa na may kaugnayan sa economic growth.
Ipinaliwanag ni Abella na alinsunod sa saligang batas ang mga hakbang ng anti-drug war ng Duterte administration at sumusunod ito sa international at human rights treaties na pinasok ng Pilipinas.