Binatikos ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) ang pagbabanta ng ilang mga die hard supporter ni President Rodrigo Duterte sa dalawang mamamahayag.
Kasunod ito ng pag-atake ng mga ilang mga social media trolls ni Duterte sa dalawang reporter ng Reuters kasunod ng kontrobersiyal na Hitler remarks ng Pangulo.
Ayon sa NUJP, krimen pa rin ang pagbabanta sa mga mamamahayag sa kabila ng pagkakamali o hindi pabor nilang ulat.
Nakapapag-alala anila ang patuloy na pag-atake sa mga miyembro ng media at sa banta na pigilan ang kalayaan sa pamamahayag.
Binanatan ng NUJP ang tila pagtetengang kawali ng administrasyong Duterte sa panawagan ng mga mamamahayag na i-address ng Pangulo ang kanyang mga supporter sa problemang ito.
By Rianne Briones