Tinawag na self-serving ng ilang mambabatas ang naging banta ng Panay Electric Company (PECO) sa Korte Suprema na magiging “bad precedent” umano sa pagnenegosyo ang naging desisyon nito pabor sa More Electric and Power Corporation (MORE POWER).
Ito ang tinuran ni House Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel matapos sabihing walang batayan ang naging alegasyon ng kampo ng PECO na lilikha umano ng hostile takover ang pagpabor ng SC sa MORE POWER.
Giit ni Pimentel kaya tinanggalan ng prangkisa ang PECO ay dahil sa mismong ang mga konsyumer na ang nagsalita na ayaw na nila ang serbisyo nito dahil sa kapalpakan.
The opinion of PECO is self seving because they still want to operate the electric utility but the truth of the matter is that it is the consumers who have been clamoring for another utility company because for several decades PECO has a very poor service and they have several pending cases because of complaints from the customers,” paliwanag ni Pimentel.
Giit ni Pimentel na nakita ng Kamara ang mga reklamo laban sa PECO na syang basehan kaya tinanggalan ito ng legislative franchise.
I was always present during the hearings of the renewal of their franchise and I have thorough knowledge of their poor performance and several violations with the Energy Regulatory Commission(ERC),” dagdag pa nito.
Nanindigan ang mambabatas na hindi magiging masama sa pagnenegosyo sa bansa kung aalisin ang mga kumpanya na hindi naman maganda ang serbisyong ibinibigay.
I think the people deserves a better utility company than PECO who can really serve the needs of the people,” giit pa nito.
Umaasa naman si Pimentel na rerespetuhin at kikilalanin ng SC ang naging desisyon ng Kongreso na ibigay ang legislative franchise sa kung sino ang karapat dapat bilang syang hurisdiksyon nito.
We cannot preempt the decision of the Supreme Court but in my opinion just like in the case o ABS-CBN, the high court will rule in favor of More Power because its already moot and academic because PECO does not have a franchise to operate anymore,” paliwanag ni Pimentel.
Sakali man umano na maging baliktad ang desisyon ng SC at pumabor sa PECO ay hindi rin ito masasabing tagumpay para sa kumpanya dahil hindi rin sila makakapag-operate.
The House of Representatives already denied the franchise including their request for reconsideration so even if they win the case how can they operate if they do not have a franchise however the franchise of More Power was approved,” pagtatapos pa ni Pimentel.
Naibsan umano ang kalbaryo ng mga residente sa IloIlo City dahil sa pagkawala ng dating Power Utility nito na Panay Electric Company o PECO.
Ito ang lumabas sa special report ng Publishers Association of the Philippines o PAPI hinggil sa estado ng kuryente sa IloIlo City.
Inisa-isa sa ulat ang mga kapalpakan umano ng PECO mula sa 96 taong pamamayagpag nito at kung bakit tuluyang nawala ang kumpiyansa rito ng mga Ilonggo.
PECO, for much of its last years as the city’s electric power distribution utility, had become synonymous to the phrase “technical incompetence” following years of unexplained and prolonged power interruptions that for a while had actually threatened the economic viability of Iloilo City turning off investors instead of attracting them. PECO’s service, at least in its last few years, was nothing but a complete mess,” nakasaad sa nasabing report.
Una nang tinukoy ng Energy Regulatory Commission o ERC ang hindi maayos na serbisyo ng PECO tulad ng kawalan nito ng maayos na protective devices, hindi ligtas na mga poste, overheating na substations, hindi pagsasagawa ng upgrade sa lumang distribution system at hinuhulaang meter reading.
Various sectors of the Iloilo City community express its full backing to More Power, with all of them saying the new power distributor is on the right track,” ayon pa sa report.
Una rito, umani ng suporta ang pagpasok sa Iloilo City ng More Electric and Power Corp o MORE POWER sa pag-asang maitatama na nito ang itinuring nilang DARK AGES sa kamay ng PECO.
From the standpoint of being a consumer myself, I ask everyone to bear with the situation and have a little more patience. MORE cannot do miracles, like instantly solving the woes we had experienced for decades under PECO. Its only fair that we allow More to prove its worth,” pahayag ni Msgr Meliton Oso, head ng Jaro Archdiocese Social Action Center.