Nagkasundo ang mga pinuno ng mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN na pagtibayin ang paglaban sa terorismo.
Gayundin ang pagsisimula at gawing pormal ang pagtalakay sa ASEAN-Wide Extradition Treaty.
Kasunod ito ng babala ni Singaporean Prime Minister Lee Hsein Long kaugnay sa pananatili ng banta ng teroristang grupong Islamic State of Iraq and Syria o ISIS sa South East Asia.
Ayon kay Lee bagamat mapayapa ang sitwasyon ngayon sa Southeast Asia dapat pa rin maging alerto at mapagmatiyag ang lahat ng bansa sa rehiyon lalo na sa banta mula sa ISIS gayundin ng iba pang mga teroristang grupo at maging sa cyber-attacks.
Bukod dito, nagkasundo rin ang mga lider ng ASEAN na paigtingin ang pagsasapinal ng free trade zone na tatawaging regional comprehensive economic partnership kasama ang iba pang bansa tulad ng China at India.
—-