Hinamon ni ACTS OFW Partylist Rep. John Bertiz ang bansang Kuwait na putulin na ang diplomatic ties nito sa Pilipinas.
Ito ang reaksyon ni Bertiz sa pahayag ng Kuwaiti Government na ipa-deport na ang mga Pilipino na nagtatrabaho sa kanilang bansa.
Ayon kay Bertiz, naka-a-alarma aniya ang patuloy na pagtaas ng mga nasasawing OFW sa Kuwait pero nakalulungkot aniyang walang napapanagot dito.
Kasunod nito, hinimoik ni Bertiz ang DOLE at DFA na maghain ng protesta laban sa Kuwait dahil sa mga ginagawa nito sa mga Pilipino.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jill Resontoc
Posted by: Robert Eugenio