Ibinabala ng Malakaniyang ang mga planong malawakang destabilisasyon.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay sa paggunita ng ika 46 na anibersaryo ng deklarasyon ng martial law sa ilalim ng Marcos regime sa September 21.
Minaliit naman ni Roque ang mga pagkilos para patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi aniya matatawaran ang malaking tagumpay ng pangulo noong 2016 elections.
Malinaw aniyang sa mismong araw pa lamang ng eleksyon ay talagang hindi na tinanggap ng mga dilawan ang kanilang pagkatalo at unang araw pa lamang ay nag iisip na ang mga ito kung paano sila makakabalik sa kapangyarihan.
Tinawag pa ni Roque na adik sa kapangyarihan ang mga dilawan.