Nananatili ang banta ng grupong Maute-ISIS.
Sa kabila nito, sinabi ni AFP Joint Task Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, tuloy tuloy ang operasyon ng militar laban sa mga natitirang miyembro ng naturang teroristang grupo. Malaki naman ang pasasalamat ni Brawner sa publiko sa pakikipagtulungan ng mga ito at pagturo sa kinaroronan ng mga Maute.
Ang maganda ngayon is that ‘yung taumbayan ay nakikipag-cooperate na sa atin. In fact doon sa mga encounters natin at doon sa apprehension natin, ‘yung tao mismo ang nagtuturo kung nasaan itong mga Maute-ISIS.
Samantala, inaasahan naman ng militar na magtutuloy-tuloy din ang pagsuko ng mga iba pang miyembro ng Maute matapos sumuko ang anak at asawa ng nakatatandang kapatid ng Maute brothers.
Ang magandang balita is that recently, mayroon tayong mga surrenderees na 27 na members ng Maute-ISIS. Kasama rito ‘yung asawa at anak ni Otto Maute. Si Otto Maute ang panganay sa mga magkakapatid na Maute at doon sa pagsuko ng kanyang asawa at anak, naging sunud-sunod ang pag-surrender pati na rin ‘yung mga fighters mismo. Hopefully, these coming days and weeks ay madagdagan pa ito at marami pa kaming kinakausap na members nila na gusto na ring mag-surrender pero natatakot din.