Pinaghahandaan na ng Albay Public Safety and Emergency Management Office o APSEMO ang banta sa pagragasa ng lahar ngayong darating na tag-ulan.
Ayon sa APSEMO, posibleng maging lahar ang nasa 81 million cubic meters na iniluwang mga materyales ng bulkang Mayon kapag nahalo ito sa tubig ulan.
Kasama sa evacuation plan na inihahanda na ang APSEMO ay ang agarang paglilikas sa mga residente mula sa anim hanggang pitong barangay sa bayan ng Guinubatan at Camalig oras na umabot na 22 millimeter per hour ang buhos ng ulan.
Bukod sa Guinubatan at Camalig, mataas din ang panganib na umagos ang lahar sa Legaspi City sa pamamagitan ng Yawa River at bahagi ng Miisi, gayundin sa Sto. Domingo oras naman na umagos ang lahar sa Basud River.
Dagdag ng APSEMO, sakaling umabot sa pinakamatinding scenario kung saan hindi na madaraanan ang mga pangunahing kalsada dahil sa lahar, kanila namang ipoposisyon ang mga emergency vehicles sa bahagi ng Camalig at Legaspi – Sto. Domingo Roads.
Posted by: Robert Eugenio