Isang desperadong hakbang ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na lumikha ng komisyon na mag-i-imbestiga sa mga anomalya umano sa Office of the Ombudsman.
Ito, ayon kay Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano, ay upang iligaw ang atensyon ng publiko sa halip na tututukan ang issue ng tago umanong yaman ni Pangulong Duterte.
Malinaw anyang nais ng punong ehekutibo na pagtakpan ang mga kinasasangkutan nitong anomalya at guluhin ang imbestigasyon ng Ombudsman na isang independent constitutional body.
Magugunitang inatasan si Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na nag-inhibit sa imbestigasyon na aksyunan ang reklamo ni Senador Antonio Trillanes hinggil sa umano’y multi-billion Peso of bank account ni Duterte.