Walang dapat ika-alarma ang publiko sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao kapag napilitan siya.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, sakaling magdeklara ang Pangulo ng batas militar sa Mindanao, titiyakin nilang nakabatay ito sa sitwasyon at kung may pangangailangan.
Sinabi rin ng Senate President na ipatutupad lang ang batas militar, sakaling matuloy ito, sa mga lugar na kailangang makontrol ng mga otoridad upang mapanumbalik ang normal at maayos na sitwasyon.
Kaugnay nito, iginiit ni Pimentel na hindi dapat ikaalarma ang banta ng pangulo
By: Avee Devierte / Cely Bueno