Hindi nakaapekto sa mga delegado ng ASEAN meetings ang banta ng seguridad sa lalawigan ng Bohol.
Sa katunayan, ipinabatid ni Bohol governor Edgar Chatto na nagsagawa pa ng countryside tour ang mga delegado bago bumalik sa kani-kanilang mga bansa kahapon.
Kabilang dito, ayon kay Chatto ang man made forest at tarsier conservation area sa bayan ng Loboc at chocolate hills sa bayan naman ng Carmen.
Hindi naman aniya napag usapan ng mga ambassador ng sampung bansang kasapi ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations ang engkwentro sa pagitan ng mga awtoridad at mga miyembro ng Abu Sayyaf sa bayan ng Inabanga at maging sa Clarin.
Ipinabatid pa ni Chatto na nalaman niya sa national organizing committee na nangako ang mga dayuhang delegado na babalik pa sa Bohol.
By Judith Estrada-Larino
Banta ng seguridad sa Bohol hindi nakaapekto sa mga delegado ng ASEAN–Chatto was last modified: April 23rd, 2017 by DWIZ 882