Nananatiling mataas ang banta ng terorismo sa Pilipinas.
Batay ito sa ipinalabas na ulat ng kumpanyang Aon na tinatawag na 2018 Risk Maps at naglalaman ng mga pag-aaral sa mga bansang bantad sa panganib dulot ng terorismo at karahasan sa pulitika.
Ayon sa report, bagama’t wala pang naisagawang malalaking pag-atake ang ISIS o Islamic State sa South East Asia, nagpapatuloy pa rin ang mga banta at pagkilos ng mga grupong kaanib nito sa rehiyon.
Binanggit din sa ulat ang pagtaas ng banta ng terorismo sa Pilipinas matapos ang ginawang pagnanakop ng Maute Terror Group sa Marawi City.
Nagpapahiwatig din anila ito na bumubuo ang Islamic State ng mga lokal na teroristang grupo sa katimugang bahagi ng Pilipinas at may kakayahan ang mga ito na magsagawa ng mga pag-atake sa buong Timog Silangang Asya.
—-