Walang negatibong epekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang umano’y banta ng terorismo sa pangunahing tourist destinations sa bansa.
Ito ang pagtitiyak ni Trade Secretary Ramon Lopez sa kabila ng travel warning na ipinalabas ng Estados Unidos, Canada, United Kingdom at iba pang mga bansa.
Patunay nito ayon kay Lopez, nananatiling maganda ang economic potential ng Pilipinas kung saan ay tumaas ng tatlumpu’t isang (31) porsyento ang investments sa bansa mula Enero hanggang Abril ng kasalukuyang taon mula sa negative figures na naitrala naman noong nakaraang taon.
Maliban dito, tiniyak ni Lopez na kontrolado ng pamahalaan ang security situation sa bansa na hindi dapat ipangamba ng mga mamumuhunan at mga turista.
By Ralph Obina
Banta ng terorismo walang negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa—DTI was last modified: May 13th, 2017 by DWIZ 882