Walang negatibong epekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang umano’y banta ng terorismo sa pangunahing tourist destinations sa bansa.
Ito ang pagtitiyak ni Trade Secretary Ramon Lopez, sa kabila ng travel warning ipinalalabas ng Estados Unidos, Canada, United Kingdom at iba pang mga bansa.
Patunay nito ayon kay Lopez, nananatiling maganda ang economic potential ng Pilipinas kung saan ay tumaas ng tatlumpu’t isang porsyento (31%) ang investments sa bansa mula Enero hanggang Abril ng kasalukuyang taon mula sa negative figures na naitrala naman noong nakaraang taon.
Maliban dito, tiniyak ni Lopez na kontrolado ng pamahalaan ang security situation sa bansa na hindi dapat ipangamba ng mga mamumuhunan at mga turista.
Nakatakdang pagpupulong nina Pangulong Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping maraming benepisyo para sa PH
Maraming benepisyo para sa Pilipinas ang nakatakdang pagpupulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa pagbisita ng Punong Ehekutibo sa China.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, inaasahang mas lalo pang tatatag ang trade relation ng dalawang bansa.
Kabilang sa mga inaasahang resulta sa pakikipagpulong ng Pangulong Duterte ang mas madami pang exports mula sa China.
Matatandaang sa Lunes itinakda ang bilateral meeting nina Pangulong Duterte at Xi kung saan ito ang last stop sa tatlong bansang bibisitahin ng Punong Ehekutibo.
By Ralph Obina