Ipinag-kibit balikat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banta ni Communist Party of the Philippines o CPP Founder Jose Maria Sison na aatras sa peace talks sa gobyerno.
Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa 25th National Convention ng Vice Mayors League of the Philippines sa Panglao, Bohol, inihayag ni Pangulong Duterte na walang problema sa kanya kung hindi matuloy ang peace talks.
“Trabahante ako ng gobyerno. My main task is just to seek, to find the peace for my country. If they are not willing to talk to me, that’s fine. Wala akong problema, so we continue with the war.”
“Anyway, we have been there for 50 years, ano ba naman dagdagan natin ng 30 years so sige basta alam ng Pilipino na ganun ang nangyayari.” Ani Pangulong Duterte
Gayunman, lalo aniyang tatagal ang karahasan kung magmamatigas ang rebeldeng grupo.
Minaliit din ng Punong Ehekutibo ang pahayag ni Sison na makipag-sanib puwersa na lamang ang komunistang grupo sa Oust Duterte Movement na nananawagan ng kanyang pagbibitiw sa puwesto.
—-