Binalewala lamang ni Senador Antonio Trillanes IV ang banta ni Solicitor General Jose Calida na ipakukulong siya at ang iba pang mga kritiko ng administrasyon.
Ayon kay Trillanes, simula pa noong nakalipas na taon ay tinatangka at binabantaan na siya ni Calida na kakasuhan subali’t hanggang ngayon wala pang naihahaing reklamo laban sa kanya.
Giit ni trillanes, kung talagang may hawak na mga ebidensya laban sa kanya sina Calidad, ay dapat noon pa siya nakasuhan ng mga ito.
Dagdag ni Trillanes ang nasabing banta laban sa kanya ay bahagi lamang ng mga pangha-harass at panggigipit sa mga kritiko ng Duterte administration.