Hindi na nakagugulat ang isiniwalat ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na mayroon umanong assassination plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Senador Gringo Honasan, bahagi na ng buhay ng mga nanunungkulan sa gobyerno ang mga banta sa buhay at kanilang seguridad.
Kaugnay nito, sinabi ni Honasan na mahalagang mayroong nakahandang counter measure sa anumang natatanggap na intelligence information na banta sa buhay o seguridad ng isang public official lalo na sa Pangulo bilang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan.
Matatandaang inihayag ng Chief-PNP na dahil sa tip mula sa homeland security, natuklasan ang umano’y assassination plot laban sa Presidente na humantong sa pagkakaaresto ng dalawang gun smugglers at pagkakakumpiska ng mga parts para sa M-16 rifles.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 19) Cely Bueno