Isinisi ng Malacañang sa oposisyon ang mga banta sa buhay ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pilit na idinudugtong ng oposisyon ang mga pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte sa death threats laban kay Bishop David.
Muling binigyang diin ni Panelo na sanay na ang publiko sa mga joke ng Pangulo tulad ng kanyang biro na dapat holdapin at patayin ang mga obispo.
Gayunman, sadya aniyang binabaluktot ng mga kritiko ng Pangulo ang mga jokes ng Pangulo upang lituhin ang publiko.
Matatandaan na matapos na di umano’y magbiro ang pangulo na dapat holdapin at patayin ang mga obispo, nanawagan naman ito sa publiko na huwag i-harass ang mga obispo.
—-