Ibinunyag ni House Sergeant at Arms Retired General Roland Detabali ang banta ng seguridad sa mismong SONA o State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24.
Sinabi ni Detabali na hindi naman seryoso ang banta dahil galing lamang ito sa mga grupong nais manggulo.
Gayunman tiniyak ni Detabali na hindi naman nila binabalewala ang naturang banta dahil kahit ang ibang bansa ay nalulusutan sa kabila ng mahigpit na security plans.
Kaugnay nito magpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa loob at labas ng Batasang Pambansa kung saan ikakalat ang security forces.
Sa katunayan July 21, Biyernes pa lamang ay magpapatupad na sila ng mas pinaigting na seguridad at masusing i inspeksyunin ang mga papasok at mga kagamitan na dadalhin sa Batasan Complex.
At sa mismong araw ng SONA ay yung mga may kaukulang accreditation ID at imbitasyon ang makakapasok sa Batasan Complex.
By Judith Larino
Banta sa seguridad sa SONA ibinunyag was last modified: July 13th, 2017 by DWIZ 882