Pinasisipa sa puwesto ng mga senador si Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag.
Ito ayon kay Senate Minority Floorleader Franklin Drilon ay dahil sa pagmamatigas ni Bantag na magpalabas ng mga detalye sa aniya’y kaduda dudang pagkamatay ng mga high profile inmates sa New Bilibid Prisons na sinasabi nitong nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Drilon na nakakadagdag ng duda ang naturang insidente sa BuCor na una na ring binalot ng kontrobersya tulad ng bentahan ng good conduct allowance.
Ikinagulat naman ni Senador Risa Hontiveros ang aniya’y pagkakadale ng sabay sabay ng COVID-19 sa mga VIP inmates.
Tiniyak ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon ang imbestigasyon sa pagkamatay ng mga naturang VIP inmates sa NBP pagkatapos ng sariling pagsisiyasat ng Department of Justice na nakakasakop sa BuCor.