Hinimok nina Secretaries Benhur Abalos ng DILG at Jesus Crispin Remulla ng DOJ ang mga itinuturong mastermind sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid, na sumuko na sa mga otoridad.
Ito’y makaraang maghain kahapon ng Two Counts of Murder sa mga nasa likod nang pagpatay kina Mabasa at sa umano’y ‘middleman’ na si Jun Villamor.
Kabilang sa mga tinukoy na utak sa krimen sina suspended Bureau of Corrections director-general Gerardo Bantag at BuCor deputy security officer Ricardo Zulueta.
Ayon kay Abalos, dapat pamarisan nina Bantag at Zulueta ang gunman na si Joel Escorial na sumuko dahil sa takot sa kanyang buhay na maaaring mangyari rin sa dalawang BuCor official.
Para naman anya sa mga nakaka-alam kung nasaan sina Bantag at Zulueta ay ipagbigay-alam ang kinaroroonan ng dalawa kung mayroon man silang impormasyon.
Una nang iginiit ng suspendidong hepe ng kawanihan ng mga bilangguan na mas nanaisin pa niyang mamatay kaysa makulong.