Tinawag lamang na political noise ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang bantang destabilisasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Esperon, wala naman itong dating sa hanay ng militar.
Nananatili aniyang solido ang pagsuporta ng mga heneral sa Pangulo sa kabila ng pagbaba ng approval rating nito.
Matatandaang bumaba ng labing walong (18) porsyento ang approval rating ng Pangulo kung saan bumagsak ito sa 67 percent sa pinakabagong Social Weather Stations o SWS survey.
—-