Hindi natinag si Senador Grace Poe sa banta ni dating Congressman Jacinto Paras na sasampahan siya ng disqualification case, oras na magpasyang tumakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.
Ayon kay Poe, karapatan ni Paras ang maghain ng kaso sabay giit na handa siyang harapin ito.
Una rito, binigyang-diin ni Poe na kung tutuusin ay higit pa sa 10-year residency requirement ang kanyang naipanirahan dito sa Pilipinas.
Sinagot din ng senadora ang mga kumukwestyon sa kanyang US citizenship.
Pinanindigan ni Poe na naging tapat siya sa batas ng dual citizenship at nag-renounced siya ng kanyang US citizenship bago siya nanungkulan noon bilang Chairman ng MTRCB noong huling bahagi ng 2010.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)