Wala nang makakapigil sa ikinakasang fish holiday ng Navotas Fish Trader Association bukas.
Tiniyak ni Dr. Mario Pascual, Pangulo ng Navotas Market 3, 4 at 5 na walang papalaot na mangingisda bukas kaya’t walang mabibiling isda sa mga palengke.
Iginigiit ng grupo ang protesta sa bagong polisiya na magpapatupad ng mas mataas na halaga ng multa sa mga lalabag na mangingisda at fish traders sa direktiba ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na tanging papamingwit lamang ang papayagan sa Manila Bay.
Apatnapu (40) hanggang (50) porsyento ng suplay ng isda aniya ang apektado sa kanilang fish holiday bukas at ito aniya ay posibleng masundan pa.
By Judith Larino