Itinuturing ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. bilang good move o isang magandang hakbang ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatitigil na ang Visiting Forces Agreement (VFA).
Ito ay bilang tugon sakaling hindi bawiin ng Amerika ang pagkakansela sa US visa ni Senador Ronald Dela Rosa.
Ayon kay Locsin, ang US Department of Justice na nasa ilalim ng executive branch ang siyang nagpapasiya sa pagbibigay ng US visa.
Aniya, posibleng seryoso o hindi ang Amerika sa pakikipag-alyansa sa militar ng Pilipinas.
Dagdag ni Locsin, maaari naman aniyang kunin ng Estados Unidos si Senadora Leila De Lima matapos ang paglilitis dito kung saan maaarin itong gawing US citizen at miyembro ng US military sa pamamagitan ng isang batas.