Pinabulaanan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS ang napaulat na umano’y posibleng krisis sa tubig na maranasan sa Metro Manila.
Ayon kay MWSS Senior Deputy Administrator Atty. Nathaniel Santos, sapat ang mga ginagawang programa ng pamahalaan upang mapanatili ang suplay ng tubig sa Metro Manila.
Maliban dito, tiniyak ni Santos na sapat ang tubig sa Angat Dam hanggang sa tuluyang maitayo ang Kaliwa daM sa probinsya ng Quezon sa taong 2022.
Una rito, lumabas ang mga ulat na nagbabadya ang krisis sa tubig sa Metro Manila sa susunod na apat na taon dahil umano sa madaling pagkasaid ng tubig sa Angat Dam.
Bahagi ng pahayag ni MWSS Senior Deputy Administrator Atty. Nathaniel Santos
By Ralph Obina