Mariing pinabulaanan ni Senador Antonio Trillanes IV ang alegasyon ni CPP-NPA-NDF Founding Chairman Jose Maria Sison na bahagi siya ng grupo na nagbabalak na i-kudeta si incoming president Rodrigo Duterte.
Ayon kay Trillanes, ang tamang pamamaraan para mapatalsik sa pwesto si Duterte ay sa pamamagitan ng impeachment.
Sinabi pa ni Trillanes na sakaling mayroong disgruntled member ng AFP at PNP na maglulunsad ng kudeta, ito ay dahil sa hindi nila makayanan na makita si Sison at mga kasamahan nito sa Communist Party of the Philippines na naging bahagi ng Coalition Government nang hindi man lang pinagsisisihan ang ginawang pagpatay sa maraming sundalo, pulis at mga inosenteng sibilyan.
Una rito, nagbabala si Sison kay Duterte na mayroon umanong binabalak si Trillanes at grupo ng mga sundalo na siya ay patalsikin kapag naupo na sa pwesto sa pamamagitan ng kudeta.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)